After my 27th birthday, a confrontation with ronald, flu attack and two parties sa bahay namin, ngayon lang ako nakasulat ulit. Yup, the ronald story is finally over dahil na cash in na check ko and tumahimik na rin sya. I celebrated my birthday 3 days after the real date kse may pasok and although malamig at umuulan, nag grill pa rin si daddy erwin. Nagpansit si tess, nagfried rice si rissa and ako, hmm....nyek, wala akong signature dish...nagvideoke after and then humayo na. It felt like it was my first time to celebrate my birthday dito sa Louisiana. I don't ever remember celebrating my birthday last year espaecially when all I can remember is crying over a side table na ayaw iwanan ni silver...kse nga naman nakaayos na yun sa room nya.hokei. It is nice to celebrate my birthday even if I thought I was too old to do that. Nung actual birthday ko was a quiet celebration with rissa. She gave me a gift na parang folding chair na pedeng bed (i wish I have a picture kse di ko majustify sa pagdedescribe) and i opened her gift 12mn nung 24th. so pagkagaling nya sa school mga 7pm na nun she drove me pa to monroe para kumain sa waterfront grill. Shempre may cutie na waiter dun who sang a happy birthday song and who gave me a slice of cheesecake kse nga birthday ko.Haba ng hair ko nun. incidentally, nakausap ko rin yung cutie neighbor namin (may asawa na to, so wala lang) kse tinigil nya yung sasakyan ko just to tell me na yung sweater ni yumyum ay dinala nung aso ng kapitbahay namin sa front yard nila.heheh! yun lang naman. going back to waterfront, si rissa ay bumili ng isang pack ng marlboro lights and nagyosi ako kse birthday ko naman (ooops, may magagalit dito!). Salap salap. So nagpakababoy kme tas paguwi ginamit namin yung gift nya na meron din sya (only darker blue) at nagbilad kme sa bwan habang umiinom ng michelob(kunti lang) at nagyoyosi. Thank god the weather was fine during that day or di namin 'to maeenjoy. We took some pics pero di pa nadedevelop kaya walang pang proof. Pero I'm sure they were good kse I was happy when they were taken.
After nun nagkitakita naman kina david para lang magvideoke. Syempre alam nila yung mga songs na di ko man lang inisip na may nakakaalam. Pati yung in the ghetto na naririnig ko lang kay cartman sa southpark.
A week after, we surprised danny (rissa's boyfriend) with a party kse sya naman ang may birthday. dami na namang food- spaghetti ni rissa, teriyaki, pansit, crispy pata, at brownies na naging cookie. Superbowl sunday pa nun (like I care) kaya masaya.Walang videoke nun kse nga superbowl...wawa mga kids, di nakakanta....hehehe!
tapos ngayon two days na ko absent because of flu. HAy! sobrang nakakamiss mommy ko pag may sakit ako. Pag asa pilipinas ako and I am not feeling well, patutulugin ako ni mommy sa kwarto nya at syempre happy kse may tv dun. MAgluluto si mommy ng nido soup para kumain ako. Tapos sasamahan ako ni paeng hanggang makatulog ako. Grabe, I miss those moments. Kaya sobra akong stressed everytime i get sick here. I become even more sick kse i miss my family lalo. I admit na I am a baby talaga pag may sakit. Nga pala, si yumyum tumakas sa gazebo at sinira pa yung screen kagabi. Aayusin na lang daw namin ni daddy erwin sa weekend. kala ko tlaga nawala na baby ko at naiyak ako nung umikot ako ng village at di ko sya nakita. Nandun lang pala sa malaking bahay sa tapat. Buti na lang glow-in-the-dark yung tali nya. PAthetic.
So..yun lang naman nangyayari sa buhay ko lately. sana may pictures na next enrty ko.
ako si dops(rodolfoverdidajr@gmail.com)